04MayAudition … palpak!

Sobrang aga kong dumating kanina sa church namin e 10am naman ung audition namin para sa choir e dumating ako don ng 9:10am na yata un, lol! Pero may mas nauna pa sa akin.

Tapos ayan na tapos na ang Children’s Worship Service at medyo naghintay pa kame tapos non lahat ng trainee sa choir mag-audition na, una pinakanta kameng sabay-sabay tapos non isa-isa na. Akala ko nga ako ang mahuhuling kakanta kaso hindi may dalawa pang sumunod sa akin. Grabe palapak ung kanta ko pano kase kinakabahan ako tapos sangkatutak na bata ung nanonood sa likod ko pati na rin ung ibang choir member na, grabe na talaga. Hindi ko nakayanan ung taas nong kinanta namin tapos pahinto-hinto pa ako. Sabi sa akin nong choir leader na ibuka ko pa daw ung bibig ko tapos ayun 6 months pa ako magpapractice (lahat naman e) kase sabi nila kelangan daw talaga maghintay ng ganung katagal kase siguro para malaman kong totoo bang gusto mo talagang magchoir at para mapractice ung boses mo tapos non audition ulit at sasabihin na kong alto ka or soprano (sa babae) tapos base or tenor naman sa lalaki. Sobrang kinakabahan ako kahit tapos na akong nagaudition. Pinakinggan lang daw ung boses namin, hahaha .. Ang alam ko talaga nasintunado ako kase nga sa kaba ko, nerbyos at kong anu-ano pang nararamdaman ko. Tapos niloloko pa ko nong mga kaibigan ko, langya!

Tapos non kainan na kameng lahat, nagstay pa ako sa church namin hanggang 3:30 pm na yata un kase hinintay ko ugn mga kaibigan ko, kakanta kase sila sa pagsamba ng tanghali tapos ako naman dahil ayokong maghintay sa kanila sa labas sumamba ulit ako, lalagpas na ako sa langit neto, sumamba na kase ako kahapon e. Pagkatapos naman ng pagsamba nagpractice pa sila kase kakanta sila bukas sa Special Gathering sa church namin. Kala ko wala si CRUSH! Kase hindi ko sya nakitang kumanta sa pagsamba pero after nong pagsamba namin nakita ko sya sa malapit sa hagdan, totally yoko ako kase ayokong tumingin talaga sa kanya nahihiya ako. Tapos nakailang lakad ako sa harap nya kase hindi ako mapakali kong saan ba ako maghihintay sa mga kaibigan kong nagpapalit tapos ayun dahil no choice na pumunta na lang ako don sa mga kaibigan ng parents ko at nakipagchikahan konti tapos bumalik ulit ako sa church, tapos punta ako sa toilet kaya daan ulit sa harap ni CRUSH tapos bigla ba naman syang pumasok din sa loob tapos ako derecho ako toilet tapos lumabas ulit ako sa toilet (wala naman akong ginawa don) tapos ayan nakasalubong ko sya, haha! Tapos sabay iwas. Bat ba ganun may pagkakataon ng makita ko mukha nya tapos saka naman nauna ang hiya ko, palpak na naman! Tapos nong nagpapractice naman sila hindi naman ako makatingin sa kanya kase nga maoobvious na pano kase tatlo lang kameng nanonood sa kanila na nagpapractice.. grrrr .. ano ba to!!! Puro kapalpakan! Buti ung kuya ni CRUSH medyo nakakausap ko konti, mas mukhang mabait kuya nya e tsaka minsan ung kuya nya ang nagpapractice sa amin sa choir, saya ano? Sa Thursday ko ulit makikita si CRUSH, wohooo!!


Emo Flickr

      Puso (sterling silver)MessageOuran High School Host Club manga (10 volumes)Parcel 2 (26-04-08)LunchFlu GirlFlu GirlMy iTouch

Emo Author

    Ako ay si Gelah (ishii), bente-dos at kasalukuyang nakatira dito sa Inglatera. Isang walang magawa na nilalang, kadalasang may topak at praning. Ako ay maglalahad ng mga nangyayari sa aking buhay, kalokohan, kaartehan, kaepalan, pag-ibig at kadramahan sa buhay ko. Wag nyong basahin ang aking mga pinagsasabi dito kong ayaw nyo sa akin o kong sa tingin nyo ay nakakasakit sa inyong mga damdamin. Mas mabuti pang magbasa ka na lang sa ibang may blog. Sana ay maliwanag ito sa iyong kaalaman dahil kong binabasa mo ito at nakocomment ng masasama tungkol sa akin ay isa kang tangang kulangot! Salamat na rin sa mga bumibisita!(^.^)v MWAHUGZ TO ALL!!

Emo Videos

Emo Twitter

Emo Blogs